Huwebes, Hunyo 7, 2012

Bukang Liwayway

Ang Pag-lubog ng araw, kawalan ng aking pag-asa,
Madilim na magdamag, ay aking takot at pangamba,
Sa tahimik na gabi, puso'y duwag at di pa handa,
Naghihintay walang tulog, sa pagsikat ng umaga.

Masalimuot ng buhay, aking wastong nababatid,
Nawa'y napakapalad, batbat ng hirap at tiisin,
Sa aking pagpapagal, bibigay aking puso't isip,
Nag bunga sa isip, makarating sa mundong tahimik.

Pag-asa'y nakita ko, haring araw ay sumisilay,
Awit sa pandinig, na animo'y mahiwagang tinig,
Karimlang nakaharap, akala'y walang katapusan,
Sa likod ng hirap at tiisin ay kaligayahan.

Kung papaano ang bulaklak, ay nagsasayaw sa hangin,
Damdamin nitong puso, wagas at tunay ang pag-ibig,
Unawa't isipa'y minulat, gintong aral nabatid,
Sa buhay anumang dumating, tagumpa'y makakamit.